Friday, March 20, 2015

Kagandahan.

Ano nga ba ang maganda? Paano ba ito nasusukat? O nasusukat ba talaga ito? Mayroon ba talagang magandang bagay na masasabing maganda para sa lahat? O ang kagandahan ba ay isang bagay na personal at ang sarili mo lang ang makapagpapasya kung ano ito?










Nakita mo ba ang kagandahan sa mga larawang ito? Oo? Hindi? Siguro? Marahil ay hindi, dahil may iba-iba tayong pananaw sa kung ano ang kagandahan.


Ang lahat ng mga larawan sa post na ito ay kuha ko. Maganda ba?

Saturday, February 28, 2015

EDSA...


Kamakailan lang nang mauso sa social media ang mga memes o mga larawan na nagtataglay ng ilang mga salita at ginagawang katatawanan. Ngayon, nauuso ang mga “Minsan Ikaw” memes at kalaunan ay nagawan ito ng ibang variation tulad ng paggamit ng ibang tao o bagay sa halip na gamiting ang panghalip na “ikaw.”

Kaugnay ng nakalipas na EDSA People Power Anniversary ay gumawa ako ng aking sariling mga bersyon na ang ila’y naimpluwensyahan ng iba pang mga memes na aking nakita sa social media.